28.07.2005

TULDOK

“.”

Ako ay isang Tuldok

Sa gitna ng dagat ng mga letra na nais magkaroon ng makabuluhang kahulugan ang mundong mala-pisara, ngunit paano? Ang kahulugan ba ay  maaatim sa  pagpapalit ng pwesto, pagulit-ulit ng mga titik? Parang mga pira-pirasong parte  ng isang palaisipan na , ang problema ay natutugunan sa paglilipat-lipat lang? Trial and error ba ang larong ito?

Ang mga pagkakamali ay pwedeng mabura ng basahan? “

“Wrong spelling ka!”, sigaw ng mga letra sa isang kasama nilang naligaw. Buburahin ang latak sa pamamagitan ng trapo…wala na ang latak ngunit ang bakas nang dinaanan ng trapo ay kitang-kita man sa dilim.

Ako ay isang TULDOK.

Laban ako sa mga higanteng pangungusap na binubuo ng mga letrang nagkakaisa.

Napuno ang pisara ng mga salita , mga ideyang narinig ko na rin noon. May mga ideya ding bago sa pandinig, progresibo man o atrasado, mga salitang para magkaisa o mga salitang para magbuwag o magpabagsak ng isang estado, magpaluha o magpagalak ng iasng mangingibig, magbigay ng pag-asa o manira ng lakas ng loob.

AKO ay isang TULDOK.

At para sa akin, sobra na, aasa lang ba ako sa mga salita? Mga salitang minsan naiisip ko ang tanging layon ay lunurin ang aking boses at lasunin ang aking utak…

Tama na…hindi na ito nakakaaliw

Titik

Salita

Pangungusap

Talata

AKO ay ISANG TULDOK.

Kailangan matapos na, mga pahayag na mapanlinlang, naitatago ba nito ang katotohanan?

 Na kung minsan ang pagbabago ay hindi nakikita sa pisara o papel, ngunit sa pagkilos nang may pagkakaisa.

03.03.2005

Filipino Protest Poetry

Manginigibig Teodoro Antonio Iniibig ko ang gabi kahit walang ningas ang tala Iniibig ko ang tanghali kahit namamaso ang araw, Iniibig ko ang madaling-araw kahit namumula ang sinag, Innibig ko ang punungkahoy kahit nalalagas ang dahon, Iniibig ko ang lupa kahit tigang at nangangalirang, Iniibig ko ang alon kahit nag-aaklas sa pilapil. Bakit? Dahil ako ay nagmamahal at nakakaunawa Habang inililibing ang tala Lalong sumisilang ang liwanag; Habang idinadarang sa init Lalong nabibihasa sa halik ng apoy; Habang pumupula ang silahis Lalong bumabalasik ang sikat ng araw; Habang nalalagas ang dahon Lalong umuusbong at namumunga; Habang natitigang ang lupa Lalong bumubukal ang pag-ibig sa tubig; Habang nag-aalpas ang alon Lalong lumalaya sa winasak na pilapil. Dahil mangingibig akong isinilang Habang tinatabas ang mga dahon, Nakaligtas ang mga ugat na gumagapang Sa mga talampas, burol at bundok; Pinalusog ang mga ligaw na usbong at bulaklak, Upang magsabong ng halimuyak Sa darating pang mangingibig at mandirigma.

02.03.2005

My new Hobby-collecting Protest Poetry

The Lady and the Soldier
R. Romea Luminarias

Medals chimed upon his chest
While they minced by the barbed wire gate.

He spoke of harvests, rebels freed;
And she, of farmers lynched by beasts.

Her keen eyes scanned the crystal tiers
Of brazen anting-anting* - souvenirs

From wars that warped the wooden gods
Who schemed to tame the ire of fire.

She gazed at slugs in shards of skulls,
Their shades as pale as wounded scars,

Swords, tomahawks, dudgeons armors,
Arrows, spears, from simple wars.

“What rare collection dear,” she said
Filching a poniard from the shelf;

He curtly turned to close the doorway.
Medals chimed upon his chest.

“I treasure theses,” he bravely beamed.
“The threat they flaunt prods captives; Speak,

Speak of children we have salvaged**
Speak of flesh, my soldier’s feast!”

He briefly strode to lock the doorway.

His fingers probed her navel’s depth.

The poniard poised like a snake.

Medals chimed against her breast.

anting-anting- in the Philippines theses are charms that you were about your neck that will protect you form harm and give you supernatural powers
• salvaged- unlike its dictionary definition, in Filipino culture “salvaged” people are those who were taken abruptly by the police or government and then they are tortured and sometimes killed because of their involvement with anti-government protests or because they were falsely accused of a crime they did not commit and refused to admit guilt. Sometimes the bodies will be dumped at abandoned residential lots or rivers.


TAken from VERSUS: Filipino Protest Poetry